4 na hinihinalang carnapper patay sa Muntinlupa City

0
42

Patay ang apat na hinihinalang carnapper matapos maka-engkwentro ang mga tauhan ng special operations division ng PNP-Highway Patrol Group sa Muntinlupa City.

Batay sa ulat, nagkasa ng operasyon ang pnp hpg matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y carnap na Hyundai Accent na may conduction sticker na MP 0669.

Nataon namang dumaan ang nasabing sasakyan sa inilatag na checkpoint ng mga otoridad.

Gayunman sa halip na huminto ay hinarurot pa ng mga lulang salarin ang target na sasakyan at nagpaputok sa mga pulis.

Dito na nauwi sa habulan at palitan ng putok na naging dahilan ng pagkasawi ng mga salarin.

Sa isinagawang pagsusuri ng mga otoridad gamit ang lto mobile query tool, natuklasang naka-assign ang conduction sticker na MP 0669 sa isang Hyundai Eon.