4 na bansang magiging hosts ng FIBA men’s basketball napili na

4 na bansang magiging hosts ng FIBA men’s basketball napili na

by Powered by DWIZ
30 views

Napili na ang 4 na bansang magiging hosts ng FIBA men’s basketball olympic qualifying tournament sa 2020.

Batay sa anunsiyong inilabas ng FIBA Executive Committee, pagdarausan ng 4 na qualifying rounds ang mga bansang Canada, Serbia, Croatia at Lithuania.

Mahahati sa 4 na tournament ang qualifying rounds na may tig-6 na koponang maglalaban laban para sa tiyansang makapasok sa Tokyo 2020 olympic games.

Makakasama ng winning teams ang 7 koponang automatikong kwalipikado sa Olympics.

Gaganapin ang qualifying tournament sa Hunyo 23 hanggang 28 sa susunod na taon.

0 comment

Related Posts