35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

4 Manila ‘kotong cops’ isinalang na sa inquest proceedings ng DOJ

- Advertisement -

Isinalang na sa inquest proceedings ng Department of Justice (DOJ) ang apat na pulis Maynila na huli sa aktong nangingikil ng P200,000 sa pamilya ng naarestong drug suspek.

Ang apat na pulis ay inaresto matapos tanggapin ang marked money mula sa pamilya ng drug suspek sa isinagawang entrapment operations ng Philippine National Police (PNP) Integrity Monitoring and Enforcement Group sa loob mismo ng Baseco Police Community Precinct.

Dumalo rin sa inquest proceedings ang kaanak ng drug suspek na nagsabing isinupot at pinaghahampas sa ulo ang suspek.

Sampung araw ang ibinigay ni DOJ Assistane State Prosecutor Susan Villanueva upang makapagsumite ng kontra-salaysay ang mga suspek na sina Police Corporals Nickson Mina, Juan Carlo Guzman at Francis Mikko Gagarin at Patrolman Tom Hikilan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -