3×3 players sa bansa makakatanggap pa rin ng sahod sa kabila ng ECQ

0
28

Makakatanggap pa rin ng kanilang buwanang sahod ang top 3×3 players sa bansa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Kasama sa mga manlalarong ito sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Dylan Ababou, Troy Rike, Karl Dehesa, Santi Santillan, Franky Johnson, Chris De Chavez, at Jr Alabanza.

Ayon sa chooks-to-go, kahit ma-extend pa ang  ECQ ay babayaran pa rin ang mga nabanggit na atleta.

Nagpapasalamat naman dito sina Pasaol at Santillan dahil magagamit umano nila ito para tulungan ang kani-kanilang pamilya sa probinsya.