38 na mga empleyado ng RITM nakarekober na sa COVID-19

0
27

Nakarekober na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 38 sa 45 personnel ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nahawaan ng nabanggit na virus.

Batay sa ipinalabas na pahayag ng RITM, pito na lamang sa mga nagpositibod sa COVID-19 nilang mga empleyado ang nananatili pa ring naka-quarantine bagama’t stable ang kanilang kondisyon at mayroon lamang mild na sintomas.

Habang nakabalik na rin sa trabaho ang mga gumaling na nilang staff.

Sa pinakuhuli nilang tala, mahigit 1,200 mga personnel ng RITM ang naisailalim na sa COVID-19 test mula Abril 18 hanggang 24.

1,000 sa mga ito ang natanggap na ang resulta ng kanilang test habang isinailalim naman sa mahigpit monitorinng ang mga staff na hinihintay pa ang resulta ng kanilang test.