36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

379 aftershocks naitala matapos ang M6.1 lindol – PHIVOLCS

- Advertisement -

Kinumpirma ng PHIVOLCS na nasa mahigit tatlondaang aftershocks na ang kanilang naitala hanggang kaninang ala-6 ng umaga matapos ang nangyaring magnitude 6.1 na lindol na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, kahapon.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, nasa 379 aftershocks ang kanilang naitala habang walo sa mga ito ang naramdaman sa kalupaan.

Naitala naman ang pinakamalakas na aftershock na may lakas na magnitude 3.4.

Samantala, ikinalugod naman ni Solidum na mataas na ang awareness ng publiko hinggil sa kaalaman sa mga hakbang na dapat gawin sakaling makaranas muli ng malakas na pagyanig, gayunman, kailangan pa rin aniyang ma-convert ang naturang mga kaalaman sa aktuwal na pagresponde sa mga pangyayari.

Hindi pa aniya nila matutukoy sa ngayon kung kailan tatama ang tinatawag nilang “Big One” o ang mas malakas pang mararanasang lindol sa bansa, ngunit nagpaalala ito na gawing batayan ang naging karanasan sa mga nangyaring lindol upang mas maging handa sakaling dumating ang “Big One”.


PHIVOLCS nagpaalala sa publiko laban sa kumakalat na maling impormasyon

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko laban sa mga kumakalat na maling impormasyon kasunod ng nangyaring magnitude 6.1 na lindol na naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa Facebook post ng PHIVOLCS, kanilang binigyang-diin muli na hindi nagbibigay ng prediksyon ang ahensiya tungkol sa lindol.

Kasabay nito, umapela ang ahensiya na iwasang magpadala o mag-forward ng mga impormasyong maaaring makadagdag sa pagkalito at takot.

Hinimok din ng PHIVOLCS ang lahat na bisitahin ang kanilang website na www.phivolcs.dost.gov.ph para sa mga tamang impormasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -