Saturday, May 18, 2024

37 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Caloocan City

- Advertisement -

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Caloocan City.

Batay na pinakahuling datos ng Caloocan Health Department, umakyat na sa 37 ang nagpositibong pasyente sa lungsod.

218 naman ang naitalang persons under investigation (PUI) habang 428 ang persons under monitoring (PUM).

Samantala, apat naman ang pasyente sa Caloocan ang tuluyang nakarekober sa sakit.

Tinitiyak naman ng Caloocan City Government na kanilang mahigpit na binabantayan ang lahat ng kaso ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -