Radio Philippines Network
International News

35 katao patay, 4 sugatan sa banggaan ng sasakyan sa Saudi Arabia

Patay ang 35 katao at sugatan ang 4 katao sa pagbangga ng isang bus sa isa pang sasakyan sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi State Media, bumangga sa isang sasakyan malapit sa Mosque ni Propeta Mohammed sa Medina City.

Lulan ng naturang bus ang mga Asyano at Arabong pilgrims at turista.

Dinala na sa Al-Hamma Hospital ang 4 na sugatan sa naganap na insidente.

Samantala, naglunsad na ang mga otoridad ng imbestigasyon hinggil sa pagbangga ng bus.

Nangyari ang pagbangga ilang buwan matapos maaksidente ang 16 na pilgrims na papunta sa Mecca kung saan 4 dito ay namatay.

Related posts

Isang Amerikano na pasahero sa Westerdam cruise ship positibo sa COVID-19

Powered by DWIZ

Bilang ng mga OFW sa nagpositibo COVID-19, sumampa na sa 2,405

Powered by DWIZ

Trump inanunsyo ang napipintong pagbibitiw sa pwesto ni Mcaleenan

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More