35 Chinese ipatatapon palabas ng bansa dahil sa Iligal na pagtatrabaho sa bansa

0
62

Sinimulan na ng BI o Bureau of Immigrations ang paglilitis para maipatapon palabas ng bansa ang 35 Chinese Nationals na nahuling iligal na nagtatrabaho sa isang construction site sa Parañaque City.

Ayon kay Immigration Chief Jaime Morente, oras na mapa-deport na ang mga nasabing dayuhan, kanila nang isasailalim ang mga ito sa blacklist kung saan hindi na sila muling makakabalik ng bansa.

Nahuli sa akto ang 35 Chinese na nagsasagawa ng tile setting, finishing works, wood works at ibang construction activities na isang paglabag sa labor code ng bansa.

Malinaw din anilang nilabag ng tatlumput limang chinese ang kondisyon sa kanilang pananatili sa bansa.