Xi Jinping nasa North Korea para sa 2 araw na State Visit

0
62

Nasa North Korea na si Chinese President Xi Jinping para sa 2 araw nitong State Visit.

Batay sa ulat ng Xinhua News Agency, kasama ni Xi dumating sa North Korea kaninang umaga ang kanyang asawa na si Peng liyuan at ilang mga opisyal ng Communist Party.

Inaasahang mapag-uusapan ng 2 lider ang naantalang negosasyon sa pagitan ng Estados Unidos at North Korea hinggil mga Nuclear Weapons nito.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng Presidente ng China sa North Korea sa loob ng 14 na taon.