34 na US service members nagtamo ng brain injury bunsod ng missile attacks

34 na US service members nagtamo ng brain injury bunsod ng missile attacks

by Powered by DWIZ
34 views

Ibinunyag ng Pentagon na nagtamo ng traumatic brain injury ang 34 na United States service members kasunod ng inilunsad na missile attacks ng Iran sa kanilang military base sa Iraq.

Ang pahayag ay taliwas sa naging deklarasyon ni US President Donald Trump at iba pang US top officials na walang nasawi o nasaktang sundalong amerikano sa naturang pag-atake.

Nabatid na noong nakaraang linggo ay inihayag ng US military na 11 tropang amerikano ang ginamot bunsod ng umano’y sintomas ng pagkakaroon ng pinsala sa ulo.

Magugunitang naglunsad ng pag-atake ang Iran noong Enero 8 matapos ang drone strike ng Estados Unidos sa Baghdad na ikinasawi ng kanilang military top commmander na si Qassem Soleimani.

0 comment

Related Posts