33,000 bote ng baby powder ni-recall sa Amerika

0
23

Ni-recall ng kumpanyang Johnson & Johnson ang nasa 33,000 bote ng baby powder sa America.

Ito’y matapos makitaan ng kemikal na asbestos na nakapagdudulot umano ng cancer.

Nakita umano ang kemikal sa pulbos na binili online ng mga us health official.

Ngunit nilinaw naman ng Johnson & Johnson Philippines na ang mga baby powder lamang na distributed sa Amerika ang pinarere-call ng kumpanya at hindi kasama rito ang Pilipinas.