31 sikat na celebrity kabilang sa ‘narco-list’ ayon sa PDEA

0
57

Tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mayroong tatlumpu’t isang (31) celebrity sa ‘narco-list’.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, lahat ng mga artistang nasa listahan ng sangkot sa iligal na droga ay kilala.

Matatandaang sinabi ng PDEA na mayroong dalawang artista ang kliyente ng napatay na drug dealer kamakailan sa Maynila.

Sa cellphone ng suspek na si Steve Pacion, nakita ang text message ng isang male celebrity na bumibili ng dalawang daang (200) party drugs.

Samantala, posibleng madagdagan pa ang mga lokal na opisyal na makakasuhan dahil sa iligal na droga.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, inisyal palamang ang listahan na isinapubliko ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, mayroon pang dalawampung (20) mga local officials ang isinasailalim pa sa validation.

—-