31 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

30 Million pisos pondo para sa Integretaed Swine Project nakatakdang isagawa sa Benguet

- Advertisement -

(Baguio City – La Trinidad, Bengeut) Nakatakdang isagawa ngayong taong ito ang Integrated Swine Project ng probinsial na gobierno ng Benguet sa pangunguna ni Gobernor Melchor Diclas ng Benguet ang napunduhan na 30 million pisos.

Ito ang ipinahayag ni Dr. Purita Lesing, ang namumuno ng Benguet Provincial Veterinary Office. Anya inaasahan na maisasagawa ito sa tatlong munisipyo tulad ng Tuba, Sablan habang ang isa pa ay humaharap sa validation process.

Sinabi pa niya naibigay na ang nasabing proyekto sa mga samahan na may pangkabuhayan sa pag aalaga ng mga baboy. Kanyang ipinaliwanag na sa pamamagitan ng nasabing proyekto ay mapaparami ang bilang ng mga baboy sa nasabing probinsiya at kukunti na lamang ang aangkatin sa ibang mga lugar.

Sinabi rin niya na kaya pa ng probinsiya ng Benguet na magproduce ng 28 porsiento kung ihahambing sa 72 porsiento na nagmula pa sa ibang mga lugar. Sinabi ni Lesing na una nilang isinagawa ang magkahawig na proyekto sa iba’t ibang munisipyo sa Benguet noong nakaraang taon.

Inaasahan din niya ang patuloy na pagbibigay ng tulong at suporta sa mga nag aalaga ng baboy sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng Benguet Provincial Veterinary Office. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to PLGU Benguet

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -