Wednesday, May 1, 2024

30% maximum capacity sa mga simbahan pinanawagan

- Advertisement -

Muling umapela ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo sa gobyerno na taasan pa ang maximum capacity ng mga simbahan.

Ito ay ayon kay Fr. Douglas Badong Parochial Vicar ng Basilica Minore ng itim na Nazareno kung saan sa ilalim kasi ng General Community Quarantine (GCQ) nasa 10% lamang ng kabuuang kapasidad ng simbahan ang maaring makapasok sa loob nito.

Sinabi ni Badong, sa katunayan ay kaya ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo ang hanggang sa 50% kapasidad kung saan mahigpit ding naipatutupad ang standard health protocols.

Gayunman, umaasa naman aniya sila na papayagan ng pamahalaan ang 30% maximum capacity sa mga simbahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img