3 pulis ng PNP Central Visayas sinibak matapos mag laro ng golf habang naka-duty

0
26

Sinibak sa pwesto ang tatlong pulis matapos na ilang beses na mahuling naglalaro ng golf habang nasa trabaho.

Kinilala ang mga ito na sina P/Col. Dennis Artil, P/Col. Richard Badang at P/Lt. Col. Glenn Mayam na nakatalaga sa Central Visayas bilang regional comptroller.

Kasapi rin ang mga ito ng finance service at maging hepe ng Drug Enforcement Group sa naturang lugar.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Lt. Gen. Archie Gamboa, matagal nang ipinagbabawal sa mga kapulisan ang paglalaro ng golf mula lunes hanggang biyernes sa lahat ng oras.

Samantala, inilipat na sa Kampo Krame sa Quezon City ang tatlong colonel na mahaharap sa kasong administratibo.