3 private emission testing centers suspendido ng 90-araw dahil sa pamemeke ng test results —DOTr

0
28

Suspendido ng 90 araw ang tatlong private emission testing centers dahil sa pamemeke ng emission test results.

Kabilang sa sinuspindi ng Department of Transportation (DOTr) ang Ranieva Enterprises Incorporated na nasa Taniong, Malabon City at  Triple D Emission Test Center Company na nasa Guagua, Pampanga at Capas, Tarlac.

Binalaan ng DOTr ang it service providers nito na posibleng mapatawan ng parusa kapag nagpatuloy ang pag proses ng mga datos na galing sa mga sinuspinding emission centers.