3 pelikulang Pinoy nominado sa Bangkok ASEAN Film Festival

0
24

Pasok sa nominasyon ang tatlong pelikulang Pilipino para sa kauna-unahang Bangkok ASEAN Film Festival para sa taong ito.

Itinaguyod ito ng Ministry of Culture ng Thailand na layuning ma-promote ang mga pelikula ng mga karatig bansa nito sa Timog Silangang Asya.

Kabilang sa mga nominado para sa nasabing patimpalak ay ang Tokwifi o star ni Carla Pulido Ocampo; Excuse Me, Miss, Miss, Miss ni Sonny Calvento, at To Calm The Pig Inside ni Joanna Vasquez Arong.

Isasagawa ang gabi ng parangal sa Setyembre 6 kung saan, ang magwawagi ay makatatanggap ng $20,000 o katumbas ng mahigit P969,000 premyo.