3 patay sa sobrang pag-inom ng alak sa Laguna

0
91

Tatlong magkaka-anak ang patay dahil umano sa sobrang pag-inom ng alak sa bayan ng Luisiana, Laguna.

Kinilala ang mga biktimang sina Rolan Gradia, kinakasamang si Michelliza Gonzales, kapwa 41-anyos at tiyahing si Sonia Gradia, 62-anyos.

Ayon sa Luisiana Municipal Police, pagdurugo ng bituka dahil sa labis na alcohol intake ang ikinamatay ng mga biktima.

Apat na araw nang nag-iinuman ng lambanog ang tatlo sa barangay San Diego.

Unang isinugod sa ospital si Michelliza dahil nahihirapang huminga at agad siyang binawian ng buhay at makalipas ang ilang minuto ay dinala rin sa ospital si Rolan dahil naman sa pagsusuka at kinabukasan ng madaling-araw ay namatay rin.

Isinugod rin si Sonia sa pagamutan matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan pero makalipas ang dalawang araw ay binawian din ng buhay.

—-