3 miyembro ng gabinete iniimbestigahan sa alegasyong katiwalian

0
41

Tatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iniimbestigahan dahil umano sa katiwalian.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez.

Ayon kay Jimenez, matapos ang imbestigasyon ay isang rekomendasyon ang kanilang isusumite kay Pangulong Duterte.

Gayunman, hindi pinangalanan ng PACC ang tatlong cabinet member na iniimbestigahan.

—-