Tuesday, May 7, 2024

3 miyembro ng Abu Sayyaf sa Basilan sumuko

- Advertisement -

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 3 miyembro ng Abu Sayyaf terror group sa Basilan.

Sina Khadaffy Kalitut, Aliman Langkasan at Jiyad Arabin ay nagtungo sa 18th infantry battalion sa bayan ng Ungkaya Pukan para isuko ang kanilang mga sarili at ang mga bitbit nilang baril.

Sinasabing naisagawa ang matagumpay na pagbaba ng armas ng 3 ASG members sa tulong ng isang barangay chairman.

Ayon kay Lt. Col. Ivan San Jose, commander ng 18th infantry battalion, masaya sila sa pagsuko ng mga miyembro ng abu sayyaf kabilang na si Kalitut na isang sub-leader ng grupo lalo pa’t kapwa sila ay naghahangad ng mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya .

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img