3 katao sugatan sa pagsabog sa Bangkok

0
42

Sugatan ang 3 katao sa pagsabog ng mga nakakalat na maliliit na bomba sa Bangkok kasabay ng ginaganap na ASEAN Summit sa Thailand.

Batay sa ulat, tinatawag na ‘ping pong bombs’ na kasing laki lamang nang bola ng table tennis at itinago sa damuhan sa ilang mga lugar sa loob ng Bangkok ang pinasabog.

Ayon kay Thai Government Spokesman Narumon Pinyosinwat, tila isang simbolikong pag-atake ang nangyari kung saan nais lamang ng mga salarin na ipahiya ang pamahalaan sa kasagsagan ng ASEAN summit at hindi para magdulot ng karahasan.

Samantala, agad nang ipinag-utos ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha ang imbestogasyon sa pangyayari habang naghigpit na ng seguridad.