3 hinihinalang miyembro ng NPA naaresto sa Northern Samar

0
34

Naaresto ng 20th Infantry batallion ng Philippine Army ang 3 hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Las Navas, Northern Samar.

Kinilala ang mga naaresto na sina Anton Manoso, Edwin Picson at Rey Christian Sabado.

Tinukoy ng militar at pulisya bilang Unit militia member ng NPA si Manoso habang si Sabado ay Sectoral deputy political instructor ng sub-regional committee ng rebeldeng grupo sa sa lugar.

Nakumpiska naman sa mga rebelde ang isang 9mm na kalibre ng baril, isang .45 kalibre ng baril kasama ang bala at isang hand grenade.