3 high value target timbog sa Tondo, Maynila

0
11

Naaresto ng Manila Police District (MPD) ang tatlong high value target sa Tondo, Maynila ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 13.

Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Bernabe Balba, ang tatlong suspek ay kilabot na tulak ng shabu mula sa Mindanao na nakikipagtransaksyon sa iba’t ibang lugar ng Maynila.

Kinilala ang tatlo na sina Anuar Muhammad, Satu Ameril at Fatima Garcia.

Nasabat naman mula sa tatlo ang P5.7-million halaga ng hinihinalang shabu o katumbas ng 850 gramo, buy-bust money na nasa P16,000 at tatlong cellphones.

Samantala, mahaharap ang mga suspek sa patung-patong na kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)