Tuesday, May 7, 2024

3 high school students arestado makaraang maaktuhan gumagamit ng marijuana sa Naga City

- Advertisement -

Arestado ang 3 high school students makaraang maaktuhan umanong gumagamit ng marijuana sa loob ng kanilang paaralan sa Naga City.

Sinasabing dinala ang hindi pinangalanang mga estudyante sa opisina ng principal na kapwa nahuli ng isang roving guard sa loob ng comfort room.

Nakumpiska mula sa kanila ang isang itim na pouch na naglalaman ng Improvised Pipe, Lighter, at pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa papel.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Tobias Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, nasa kustodiya na ng City Social Welfare Development Office ang 2 menor de edad habang dinala ang 18 anyos na estudyante sa himpilan ng pulisya.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img