3 doktor na nasawi sa COVID-19 tinawag na ‘bayani’ ni Duque

0
20

Tinawag na ‘bayani’ ni Health Sec. Francisco Duque III ang tatlong doktor na nasawi matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Duque, nasawi ang tatlong doktor sa pakikipaglaban sa sakit para makapagligtas ng maraming buhay.

Maituturing aniya ang mga ito na bayani dahil binuwis nila ang kanilang buhay para mapangalagaan ang kanilang kapwa mamamayan.

Kasabay nito, ipinaabot ni Duque ang kaniyang taos pusong pakikiramay sa mga naulila ng tatlong doktor.