3 dayuhan positibo sa COVID-19 matapos bumisita sa Pinas

0
13

Tatlo pang dayuhan ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na bumisita sa Pilipinas.

Dahil dito, umabot na sa 6 ang kumpirmadong kaso ng mga dayuhang mayroong travel history sa Pilipinas.

Ang mga nadagdag ay isang Japanese national na nanatili sa Pilipinas ng 7 hanggang 9 na araw isang Singaporean national na nanatili sa bansa ng tatlong araw at isang South Korean na mayroong extensive travel history subalit nagpositibo lamang nang manggaling ito sa Pilipinas.