3 Chinese na sangkot sa prostitution den nadakip

0
22

Arestado ang tatlong Chinese national na sinasabing sangkot sa pag-o-operate ng prostitusyon sa isang kilalang hotel sa Pasay.

Kinilala ang mga suspek na sina Lian Feng, Lu Fu Xing at Chen Xun Bo na nadakip sa ikinasang entrapment operation ng NBI Anti Organized and Transnational Crime Division.

Ayon kay NBI – AOTCD Chief Joel Tovera, nirerecruit ng mga suspek ang mga babaeng Chinese para magtrabaho sa Pilipinas kung saan kapwa ng mga Tsino rin ang parokyano.

Umaabot aniya sa 5,000 piso ang ibinabayad ng mga kliyente ng mga suspek sa kada transaksyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap nila online.

Dagdag ni Tovera, bagong modus din ang ginagawa ng mga suspek kung saan nag-ooperate sila sa mga nirentahang kuwarto sa hotel at hindi na sa mga regular na night clubs.

Iniiugnay naman ng NBI – AOTCD ang paglaganap ng mga sindikato ng Chines prostitution sa bansa sa pagdami rin ng Chinese POGO operators.