Saturday, May 4, 2024

3 bus stop sa EDSA busway binuksan na ng DOTr

- Advertisement -

Nagdagdag ng tatlong bus stop ang Department of Transportation (DOTr) sa kahabaan ng EDSA busway.

Ang EDSA busway ay ang inilaang lane ng pamahalaan sa EDSA para sa mga bus na bumibiyahe rito.

Matatagpuan ang mga naturang bus stop sa North Avenue, Quezon Avenue at Nepa Q-Mart sa Kamuning na pawang nasa Quezon City.

Sa kabuuan, mayroon nang 29 na bus stop ang matatagpuan sa EDSA kung saan, 15 rito ang nakumpleto na.

Nagpaalala naman ang DOTr sa mga motorista na tanging mga bus at emergency vehicles tulad ng ambulansya ang maaaring dumaan sa EDSA busway.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img