3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA —BI

0
14

Naharang ng mga awtoridad ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA ang tatlong katao na umano’y biktima ng trafficking at illegal recruitment.

Ayon kay Grifton Medina, acting chief ng BI Port Operation Division, naharang naturang mga pasahero bago pa sila makasakay sa kani-kanilang flight na byaheng Dubai at Greece.

Paliwanag ni Medina, nabatid ng mg awtoridad na peke ang mga dokumentong hawak ng tatlo, kabila na ang OEC o Overseas Employment Certificate.

Matapos na maharaang ang tatlo, agad namang inamin ng mga ito, na nagmula ang OEC sa kanilang mga recruiter.