3 associate justices ng SC tinanggap na ang nominasyon para sa CJ post

0
60
(Updated)

Pormal nang tinanggihan ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang kanyang nominasyon para maging susunod na Punong Mahistrado.

Sa pamamagitan ng liham na kanyang ipinadala sa Judicial and Bar Council o JBC, sinabi ni Carpio na pinaninindigan lamang niya ang kanyang naging boto laban sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto case.

Si Carpio ang pinaka-senior member ng Korte Suprema at siya rin ang inendorso ng Integrated Bar of the Philippines o IBP.

Sumunod namang senior member ng Supreme Court sina Associate Justices Presbitero Velasco Jr. at Teresita Leonardo de Castro ngunit hindi pa rin nagpasabi ang dalawa kung tatangapin nila o hindi ang nominasyon sa pagka-Punong Mahistrado.

Nakatakdang mag-retiro si Velasco sa Agosto habang sa Oktubre naman si De Castro.

Tinanggap naman ng ika-apat at ika-limang senior member ng Korte Suprema na sina Associate Justices Diosdado Peralta at Lucas Bersamin ang kanilang nominasyon.

Habang ang isa sa pinakabatang miyembro ng Korte Suprema na si Justice Andres Reyes Jr. ay tinanggap na rin ang nominasyon.

Dating presiding justice ng Court of Appeals si Reyes bago ito itinalagang associate justice ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2017.

Ngayong araw Hulyo 26, itinakda ang deadline ng aplikasyon at nominasyon para sa susunod na magiging Chief Justice ng Korte Suprema.

—-