34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

277 amnesty records kabilang ang kay Trillanes nawawala

- Advertisement -

Nawawala ang mga dokumentong may kaugnayan sa Proclamation 75 na nag-gawad ng amnestiya sa may dalawandaan at pitumpu’t pitong (277) aplikante kabilang si Senador Antonio Trillanes IV.

Sa pagdinig ng Makati RTC Branch 148, inamin ni Atty. Norman Daanoy, Chief Legal Counsel ng Department of National Defense (DND) na wala silang record ng kahit anong deliberasyon hinggil sa dalawandaan pitumpu’t pitong (277) amnesty applications.

Nang tanungin ng abogado ni Trillanes si Daanoy kung nangangahulugan bang nawawala ang mga records ay sumagot ng ‘Oo’ si Daanoy.

Humarap rin sa pagdinig si Arlene Manjares, Chief ng Records Division ng DND.

Sinabi ni Manjares na wala ring makitang records ng 277 application forms.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -