27,000 pulis magbibigay seguridad sa SEA Games players —PNP

0
21

Halos 1,000 mga dayuhang manlalaro na ang dumating nasa bansa para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Police Brig. General Bernard Banac, 27,000 mga pulis ang nakahandang magbigay ng seguridad sa naturang mga atleta.

Ipapakalat ang mga pulis mula sa airport hanggang sa kanilang mga hotel at event venues na pupuntahan ng mga manlalaro.

Mayroon lamang aniyang mga recommended na lugar na maaring puntahan ang mga manlalaro tulad ng commercial establishments kasama ang kanilang security escorts.