25 pampublikong paaralan, tinulungan ng Baguio City Police Office at ng Public Order and Safety Division sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela ngayong taon

    0
    20

    Baguio City – 25 pampublikong paaralan sa lungsod ng baguio ang tinulungan ng mga Tauhan ng Baguio City Police Office at Public Order and Safety Division sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela ngayong taon.

    Ang mga tauhan ng dalawang ahensiya ay tumulong sa pagsasaayos ng mga gusaling pang paaralan at maging ng mga gamit nito ganon din ang paglilinis ng kapaligiran ng mga ito magmula noong Augusto 14 hangang 18 ng taong ito.

    Katuwang din ng mga ito ang mga tauhan ng mga paaralan, mga magulang at ng mga volunteer workers.

    Sa 67 pampublikong paaralang elementary at secondariang mga paaralan sa Baguio, 17 ang mga elementarya at 8 ang secondariang paaralan ang kanilang natulungan.

    Ang mga nasabing paaralang elementarya ay kinabibilangan ng Dona Aurora Elementary School sa Lopez Jaena, Aurora Hill, Jose P. Laurel Elementary School  sa  Upper Dagsian, Kias Elementary School, Manuel Roxas Elementary School, Lindawan Elementary School, Gibraltar Elementary School, Baguio Central Elementary School, Don Mariano Elementary School, Irisan Elementary School, Fort del Pilar Elementary School, Josefa Carino Elementary School, Lucban Elementary School, Rizal Elementary School – Extension sa Liteng Pacdal, Dona Nicasia Elementary School – Spring Hills, Rizal Elementary School- Gibraltar, at ang Baguio City Special Education Center.

    Sa mga paaralang sekondarya, ang mga ito ay ang Baguio City National High School, Pines City National High School, Rizal National High School, Roxas National High School, Baguio City National Science Hight School, Sto. Tomas National High School, Happy Hallow National High School at Hillside High School.

    Ang mga kusang tumulong sa Brigada Eskwela ay naglinis ng mga daanan ng tubig ulan tulad ng alulud, nagputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, nagbuhat ng mga upuan at la mesa, nagpintura, nagwelding at sa iba pang paraan ng paaayos bilang paghahanda ng mga naturang paaralan bago magbukas ang klase sa Augusto a 29 ngayong taon. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio city Information Office)

    Leave a Reply