25 labi ng tao natagpuan sa isang mass grave sa Mexico

0
15

Nabalot ng takot ang mga residente sa bayan ng El Salto, Mexico matapos matagpuan ang tinatayang 25 labi ng tao na nakabaon sa isang mass grave sa kanilang lugar.

Ayon sa Jalisco state prosecutor’s office, maliban sa mga labi, may lima pang bags ng mga hinihinalang kalansay ang natagpuan sa lugar.

Sa paunang imbestigasyon, binanggit na mga aso ang unang nakakita ng mga buto ng tao sa isang abandonadong sakahan sa El Salto.

Pinaniniwalaang kagagawan ng isang drug cartel ang mga nabanggit na krimen.