25 Chinese at Taiwanese nationals arestado sa Ilocos Norte

0
53

Arestado ang 25 Chinese at Taiwanese matapos masangkot sa umano’y modus na telephone fraud sa Dingras, Ilocos Norte.

Ayon sa Anti Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police, ang pulis sa China ang naki pag-ugnayan sa mga otoridad dito sa bansa upang matuntun ang mga sindikato.

Sinabi ni ACG Spokesperson Chief Inspector Artemio Cinco Jr., milyon-milyong piso na umano ang kinita ng mga suspek mula sa mga nabibiktima nito sa china na umaabot sa isandaan araw-araw.

Nagpapakilala umano ang mga ito na kawani ng gobyerno sa China kung saan gumagawa rin ng pekeng warrant of arrest at nakukumbinsi ang kanilang mga biktima na mag itransfer ang kanilang savings account sa account ng mga sindikato.