Thursday, May 2, 2024

24 pirasong bala nakumpisa sa isang pasahero sa NAIA

- Advertisement -

24 na piraso ng mga bala ang nakumpiska sa isang pasahero sa NAIA Terminal 4 sa Pasay City.

Kinilala ng Office for Transportation Security ang pasahero na si Omilio Bienvenido Fidel, Jr. na patungong Tacloban nang maharang sa Terminal 4.

Na-detect ng x ray operator na si Darryl Mascarinias sa x ray screen ang bullet like items sa mga bagahe ni Fidel kaya’t kaagad sinuri ang mga ito at nakita ang live ammunition at magazine na may anim na bala.

Sinabi naman ni Fidel na ang misis niya ang nag ayos ng kaniyang bagahe at wala siyang intensyong magdala ng mga bala na pag aari aniya ng kaniyang kapatid.

Wala namang maipakitang dokumento si Fidel sa mga dala niyang bala na kinumpiska ng mga otoridad bago pinasakay sa kaniyang flight si Fidel.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img