‘24-hour SEA Games Hotline’ inilunsad ng PNP

0
24

Pormal nang inilunsad ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang 24-hour hotline para sa South East Asian o SEA Games.

Sinabi ni NCRPO Acting Regional Director Police Brigadier General Debold Sinas, maaaring dumulog o magsumbong sa naturang hotline ang mga indibidwal na mayroong mga inquiries o reklamo na may kaugnayan sa SEA Games.

Pahayag ni Sinas, imo-monitor ng NCRPO sa loob ng 24 oras ang mga numerong 0915-983-4636 para sa mga Globe subscribers at 0998-325-5626 para naman sa mga Smart subscribers.

Isinagawa ang ang launching ng hotlines kasabay ng final coordinating meeting ng Task Force-National Capital Region na ginanap sa NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Opisyal na magsisimula ang 30th SEA Games sa Nobyembre 30 at magtatapos sa Disyembre 11.