24/7 hotline para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao inilunsad ng DPWH

0
17

Nagtalaga ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng hotline number para sa mga apektado ng 6.3 Magnitude na lindol sa North Cotabato.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, maaring tumawag sa hotline number 165-02 para sa anomang ulat, request for inspection at rescue operations sa mga napinsalang gusali dahil sa lindol.

Bukas ang hotline ng 24 oras kada araw at pitong araw sa isang linggo para tumanggap ng tawag.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang assessment ng ahensiya sa epekto ng lindol sa iba’t ibang gusali at imprastraktura sa Mindanao.