24/7 hotline binuksan ng DPWH para sa mga apektado ng lindol

0
10

Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang hotline para sa mga nasalanta ng pagyanig ng magnitude 6.9 na lindol sa Davao Del Sur.

Ayon kay DPWH secretary Mark Villar, bukas 24 oras ang kanilang hotline na 165-02.

Sa ngayon ay nagpadala na ang ahensya ng assessment team sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Samantala wala pa ring inilalabas na kabuuang halaga ng pinsala ang ahensya.