31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

24/7 emergency hotline isinusulong sa senado

- Advertisement -

Isinusulong ngayon sa senado ang pagkakaroon ng 24-oras na emergency hotline.

Layon ng Senate Bill No. 394 na magtatag ng emergency medical service system (EMSS) sa buong bansa.

Ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, napapanahon na ang pagkakaroon ng gobyerno ng isang epektibo at organisadong sistema na tutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa oras ng sakuna at iba pang medical emergencies.

Ito aniya ang magtitiyak na mayroong sapat na tauhan, pasilidad, kagamitan at transportasyon na magagamit para sa epektibo at agarang paghahatid ng mga health and safety service para sa mga biktima o may sakit na kailangang masaklolohan.

Mayroon na umanong emergency 911 hotline na itinatag si Pangulong Rodrigo Duterte at mas magiging malakas ito sa pamamagitan ng isang komprehensibong EMSS.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang lahat ng local government units na magtayo ng EMSS at dispatch centers para agad na masaklolohan ang mga nangangailangan ng tulong.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -