Friday, May 17, 2024

23 bilanggo nasawi, 83 sugatan sa nangyaring riot sa isang piitan sa Colombia

- Advertisement -

Nasawi ang 23 bilanggo habang 83  naman ang sugatan sa nangyaring riot sa isang piitan sa Bogota, Colombia.

Ito ay matapos na magkilos protesta at magtangkang tumakas ang mga bilanggo dahil sa takot na magkaroon o mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil na rin sa kondisyon ng kalinisan sa loob ng la modelo jail sa bogota.

Ayon kay Justice Minister Margarita Cabello Blanco, wala ni isang positibo sa COVID-19 sa mga bilanggo at staff ng piitan kung kaya’t walang dapat ikatakot ang mga detainee.

Tiniyak naman ni Blanco na walang nakatakas sa mga bilanggo.

Aniya, kasalukuyan na rin nagpapagamot ang mga sugatan kabilang na ang siyam na prison guards na nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, idedeklara na sa colombia ang nationwide lockdown matapos na umakyat sa dalawandaan at 31  ang kumpirmadong kaso habang dalawa naman ang naitalang nasawi sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -