33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

22 Deaths, 537 New Cases At 200 Recoveries Sa COVID-19 Naitala Sa Bicol Region Ngayong Araw

- Advertisement -

Bicol Region – Pumalo na sa 34,583 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng 537 na panibagong kaso ngayong araw.

216 sa mga bagong kaso ay mula sa Camarines Sur kung saan 86 ang naitala sa Naga City, 17 sa Pili, 12 sa Balatan, tigsampo ang Iriga City at Libmanan, siyam sa Lagonoy, walo sa Ocampo, anim sa Nabua, lima sa Sipocot, tig-aapat ang Bato, Canaman, Caramoan, Del Gallego at San Fernando, tigtatatlo ang Baao, Bombon, Goa, Lupi, Pamplona, Presentacion at Tigaon, tigdadalawa ang Calabanga, Camaligan, Milaor at tinambac at tig-iisa ang Buhi, Bula, Minalabac at Ragay.

92 ang bagong kaso sa Masbate kung saan 28 ang mula sa Mandaon, 21 sa Cataingan, 14 sa Masbate,  tig-11 ang Aroroy at Uson, tigdalawa ang Mobo at Monreal at tig-iisa ang Batuan, Dimasalang at Milagros.

90 ang kaso sa Albay kung saan 20 nito ay mula sa Guinobatan, 18 sa lungsod ng Legazpi, tigwalo ang Daraga at Polangui, anim sa Sto. Domingo, tiglilima ang Ligao City, Malilipot, Oas at Pio Duran, tigtatalo ang Camalig, Malinao at Tabaco City at isa sa Bacacay.

Ang Sorsogon ay may 78 na bagong kaso kung saan 33 nito ay mula sa Sorsogon City, walo sa Donsol, tigpito ang Gubat at Irosin, anim sa Pilar, tig-aapat ang Castilla, Juban at Magallanes, tigdalawa ang Casiguran at Matnog at isa sa Priero Diaz.

Ang Camarines Norte ay amy 42 na bagong kaso kung saan 11 nito ay mula sa Labo, siyam sa Daet, walo sa Jose Panganiban, tig-apat ang Mercedes at Paracale, tatlo sa Basud, dalawa sa Vinzons at isa sa Talisay.

17 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 11 nito ay mula sa Virac, apat sa San Andres at tig-isa ang Baras at Bato habang mayroon namang dalawang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Samantala, pumalo na sa 1,077 ang death toll matapos madagdagan ng 22 na panibagong nasawi kung saan 12 nito ay mula sa Albay, apat sa Sorsogon at tigtatlo ang Masbate at Naga City.

Umabot na rin sa 23,258 ang total recoveries matapos madagdagan ng 200 na bagong gumaling kung saan 84 nito ay mula sa Sorsogon, 53 sa Masbate, 31 bsa Naga City, 20 sa Camarines Sur at 12 sa Catanduanes.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

(Source: DOH-CHD Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -