22.07% passing rate sa 2018 Bar Exam results

0
42

Inilabas na ang resulta ng 2018 Bar Examination.

Lumalabas na 22.07% ang passing rate na ibibigay sa mga kumuha ng 2018 Bar Examinations sa katatapos lamang na en banc ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Nangangahulugan ito na mahigit 1,800 na bar examinees ang pumasa sa 8,155 na kumuha ng naturang eksaminasyon.

Nanguna sa listahan ng 2018 Bar Examination result ang Ateneo De Manila University (ADMU).

Pasok din sa top 10 ang apat na bar examinees na mula naman sa University of San Carlos sa Cebu.

Samantala, lumutang din ang University of the Philippines maging ang De La Salle University sa top 10 ng naturang listahan.

(This is a developing story. Please refresh page for updates.)