21 Chinese nationals naaresto ng BI  

0
54

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 21 Chinese nationals sa Pasay City dahil sa pagnenegosyo sa bansa ng walang kaukulang working visa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga naturang banyaga ay na-aktuhan na nagbebenta ng iba’t-ibang produkto sa mga malls sa Pasay City.

12 Chinese nationals ang nahuli sa one shopping center habang siyam naman ang naaresto sa isa pang mall sa Baclaran.

Nakatakda namang i-padeport palabas ng bansa ang mga naarestong Chinese nationals.