2020 proposed nat’l budget posibleng sa susunod na buwan pa isumite ng DBM sa Kongreso

0
40

Posibleng abutin pa ng susunod na buwan bago maisumite ng DBM o Dept. of Budget and Management ang proposed 2020 national budget sa Kongreso.

Ito mismo ang nilinaw ni Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles kung saan sinabi nito na isasapinal pa ng DBM ang 4.1 trillion pesos na national budget para sa susunod na taon.

Paliwanag nito, may mga inaayos pa na detalye ang DBM bago ito isumite sa Kamara.

Matatandaang, tatlong beses na naantala ang pagpasa ng national budget noong nakaraang taon dahil sa hindi pagkakasundo ng Kamara at Senado na naging dahilan naman para magkaroon ng re-enacted budget para sa unang quarter ng 2019.

Samantala, kumpiyansa naman si Nograles na hindi na mauulit ang naturang insidente at agad na maipapasa ang 2020 national budget.