2019 national budget nilagdaan na

0
56

Nilagdaan na ni Senate President Vicente Sotto the III ang panukalang 2019 national budget.

Kasunod ito ng ilang buwang deadlock sa pagitan ng House of Representatives at Senado kaugnay ng usapin sa umano’y lump sum sa budget.

Gayunman, sinabi ni Sotto na meron siyang inilagay na “strong reservations” dito dahil hindi aniya sinasang-ayunan ang mga ginawang re-allignments ng Kamara matapos na kanilang maratipikahan ang bicam report.

Nakasaad aniya sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte na limitado lamang ang kanyang pagpirma sa mga items sa 2019 national budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee at niratipikahan ng Senado at Kamara.

Kasunod nito, ipinauubaya na lamang ng senado kay Pangulong Duterte kung aaprubahan ang ilang probisyon sa 2019 budget na kanilang tinututulan.

“To no longer delay the so called 98% of the budget, ang kinu-kwestyon na nga lang namin  would be 2 to 3 percent of the budget, so might as well approved it have it enacted as the 2019 national budget and for them to look at the projects and programs and usually the alignments that we have identified, it’s up to the president. It’s up to the executive department.”

 

(with report from Cely Ortega- Bueno)