20,000 sakong smuggled rice na nawala sa tanggapan ng PCG natagpuan na

0
44

Natagpuan sa isang pribadong bodega ang dalawampung libong (20,000) sakong smuggled rice na biglaang nawala sa tanggapan ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga City.

Nakita ang mga bigas sa Basulta Traders Corporation Warehouse sa Barangay Tetuan Zamboanga City.

Ayon kay Lyceo Martinez, District Collector ng Bureau of Customs sa Zamboanga City, sigurado sila na ang mga bigas na nakita sa bodega ang siya ring smuggled rice na nakuha sa nahuli nilang lantsa dahil pareho ang sako ng mga ito.

Sinabi ni Martinez na pinaiimbestigahan na nila ang insidente sa National Bureau of Investigation (NBI) at inilagay na rin sa kontrol ng Customs ang bodega.

—-