20 supermarket sa QC hinihinalang nagtitinda ng karneng baboy na mayroong ASF

0
20

Dalawampung mga supermarket sa Quezon City ang hinihinalang nagtitinda ng karne ng baboy na mayroong African Swine Fever.

Ayon kay Quezon City veterinarian Dr. Ana Marie Cabel, hihintay na lamang nila ang resulta ng isinumite nilang dalawampung specimens mula sa naturang mga supermarket sa Bureau of Animal Industry.

Una nang mayroon nakumpiska ang Quezon City Veterinary Office ng mga ASF infected meat mula sa dalawang kilalang supermarket sa syudad.

Ngunit nilinaw ng QC government na hindi sa QC bagkus ay sa ibang lugar ang source ng naturang karne.