20 katao patay sa pagguho ng gusali sa Nigeria

0
49

Patay ang 20 katao sa pagguho ng isang school building sa Nigeria.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga nasawi ay mga bata habang narescue naman sa insidente ang nasa 43 iba pa.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nakatakda nang ipademolish ang tatlong palapag ng naturang gusali na ilegal pa ring ginagamitĀ  bilang paaralan.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung ilan katao ang nasa loob ngĀ  gusali nang gumuho ito.